dzme1530.ph

Resolution na nananawagan sa Malakanyang na makipagtulungan sa ICC, inihain na rin sa Senado

Naghain na rin si Senador Risa Hontiveros ng resolution sa Senado na humihikayat sa Malakanyang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyong kaugnay sa human rights situation sa bansa.

Sa kanyang Senate Resolution No. 867, binigyang-diin ni Hontiveros na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nangako na bibigyang proteksyon ang human rights at tiniyak ang high level of accountability sa mga for human rights violators.

Sinabi ni Hontiveros na ang pinakamagandang paraan ng Malakanyang na ipakita ang kanilang commitment sa pangangalaga sa human rights ay ang makipagtulungan sa ICC at i—upgrade ang mga mekanismo sa human right protections.

Ipinaliwanag ng senador sa kanyang resolution na nag-widraw ang bansa sa ICC noong March 16, 2018  sa gitna ng pagsisiyasat sa war on drugs subalit hindi ito nangangahulugan na wala nang obligasyon ang gobyerno na makipagtulungan sa international tribunal.

Binanggit din sa resolution ang ruling ng Korte Suprema na nagdedeklara na ang withdrawal ng bansa ay hindi nangangahulugang wala na itong awtoridad na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga.

Iginiit din ng mambabatas na ang mga huling pahayag ni Pangulong Marcos ay nagsisilbing “gamechanger” ng mga pamilya nina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, Reynaldo “Kulot” de Guzman, at libu-libo pang biktima ng paglabag sa karapatang pantao. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author