dzme1530.ph

Resolusyon na nagbibigay awtorisasyon kay SP Zubiri na kwestyunin ang ligalidad ng P.I, inihain sa senado

Isinulong sa Senado ang isang resolution na nagbibigay awtorisasyon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na maghain ng anumang ligal na hakbangin upang kwestyunin ang constitutionality, ligalidad at validity ng kontrobersyal na people’s initiative para sa cha-cha.

Ang Senate Resolution 920 ay inihain ni Senate Majority Leader Joel Villanueva subalit nagsilbing co-author ang lahat ng senador.

Binibigyang awtorisasyon din sa resolution si Zubiri na hingin ang serbisyo ng mga abogado para sa paghahanda ng kaukulang aksyon at ng lahat ng kaugnay na pleadings at argumento sa pagharap sa korte.

Binanggit sa resolusyon ang mga naging ruling ng korte suprema na nagdeklarang hindi sapat ang Republic Act No. 6735 o ang Initiative and Referendum Act para saklawin at gamitin ang sistema ng people’s initiative sa pag amenda ng konstitusyon.

Sa pagdinig ng Senate Committe on Electoral Reforms kahapon, ilang legal luminaries ang nagsabi na hindi  uubrang gamitin ang peoples initiative bilang paraan  ng pag amyenda sa saligang batas  dahil  hindi  sapat ang batas  ukol dito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author