Nabawasan ang reserbang dolyar ng Pilipinas noong Agosto makaraang magbayad ang national government ng ilan sa mga utang nito at pagbagsak ng halaga ng Gold Holdings ng Central Bank.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak ng 0.14% o sa 99.81 billion dollars ang Gross International Reserves (GIR) ng bansa hanggang noong katapusan ng Agosto.
Kumpara ito sa $99.95 billion hanggang noong katapusan ng Hulyo.
Ito na ang pinakamababang dollar reserve level simula nang maitala ang $99.39 billion noong Hunyo.
Gayunman, mas mataas pa rin ang GIR noong Agosto ng 2.4% kumpara sa $97.44 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano