Sinusuri ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang reports na isang Pilipina ang posibleng nasawi sa kaguluhan sa Israel.
Batay sa pinakahuling Embassy update, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na una nang napaulat na nawawala ang Pinay sa isang inatakeng Kibbutzim.
Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, nasa ground ang Labor Attache at Welfare Officer para tulungan ang kapatid ng naturang Pinay sa pagkumpirma sa pagkakakilanlan nito kasama ang Israeli Police.
Kinumpirma rin ng DFA na natagpuan na ang isa sa nawawalang Pilipino sa Israel, habang anim pa ang nananating “Unaccounted For”, na kinabibilangan ng apat na babae at dalawang lalaki.
Sinabi ni Daza na batay sa report ng Embahada, natagpuan ang Pinay sa isang ligtas na lugar. —sa panulat ni Lea Soriano