dzme1530.ph

Reporma sa Philippine Coast Guard (PCG), isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukala para sa reporma at reorganization ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa kanyang Senate Bill 2650, layuin nitong itaguyod at palakasin ang kapasidad ng PCG sa gitna na rin ng patuloy na pangha-harass at pambu-bully ng China Coast Guard (CCG) at mga Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Nakasaad sa panukala ang pagbasura sa Republic Act 9993 o ang Philippine Coast Guard Law of 2009 upang mapalitan ito ng  Revised Philippine Coast Guard Law.

Sinabi ni Gatchalian na palalakasin ng panukalang ito ang kapabilidad ng PCG sa pamamagitan ng pagsasaayos sa Organizational Structure at paghikayat na makapasok ang mga kwalipikadong tauhan.

Layun din ng panukala na mabigyan ng sapat na kagamitan ang PCG para matupad ang mandato nito at matugunan ang mga hamon na may kinalaman sa Maritime Jurisdiction ng Pilipinas.

Tinukoy ni Gatchalian na sa ilalim ng umiiral na batas ay walang benepisyong nakapaloob sa parehong uniformed at non-uniformed personnel ng PCG matapos na ilipat ito mula sa Philippine Navy patungo sa Department of Transportation.

About The Author