dzme1530.ph

Repatriation sa mga Pinoy sa Gaza Strip, mandatory na!

Itinaas ng Department of Foreign Affairs ang Alert level 4 o mandatory na ang repatriation sa mga Pilipino na nasa Gaza Strip.

Ang pagtataas ng alerto sa Gaza ay sa harap ng paghahanda ng Israel para sa ground offensive laban sa mga militanteng Hamas.

Ipinaliwanag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na kapag sinabi sa mga Pinoy na lumikas na, sumunod dapat sila, dahil kapag naiwan sila ay hindi na mapipigilan ng pamahalaan ang maaring mangyari dahil gegerahin na ng Israel ang mga Hamas sa Gaza.

Sa statement ng DFA kahapon, 78 mula sa 131 Pilipino na Accounted For sa Gaza ang nasa border, malapit sa Egypt. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author