dzme1530.ph

Rep. Tulfo, nais nang i-akyat sa United Nations ang lumalalang pang-haharass ng China sa WPS

Dapat nang pag-isipan ng Pamahalaan kung ano ang dapat gawing aksyon kasunod ng panibagong panghaharass ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Sa panayam ng DZME 1530 ang Radyo Uno kay ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo, sinabi nitong hindi na uubra ang diplomatic protest at note verbale sa ganitong sitwasyon dahil walang nangyayari.

Ilalapit na ba natin sa United Nations… putulin natin ang ating pakikipag-ugnayan natin sa China… talaga namang harap-harapan na tayong binabastos ng mga… [ika nga] Chinese noon pa… anong gagawin natin kapag dumating sa ganon… dati binobomba ng tubig, walang nasasaktan… ngayon talagang binangga, [eh anong] siguro kailangan may mamatay ba… eh ‘wag naman sana [panginoon ko]… eh wag naman sana may mamatay pa…”

Kinondena rin ng Kongresista ang pagpasok ng dalawang sasakyang pangdagat ng China sa Benham Rise, kamakailan.

“Nakikita ko, ‘pag hinayaan lang natin palagi yan… kaya nga hinimok ko ang mga Philippine Navy kahapon [na] hilahin na yung dalawang barko na ‘yan papunta dito sa may Bicol, at kasuhan yung mga ‘yon…Kasi masasanay ‘yan eh… ganyan din yung nangyari sa Bajo de Masinloc at Kalayaan [island] noong 1980…Wala naman tayong mga mata doon, pero ganon na ganon kasi ang nangyari doon sa  mga [dekada] otsenta… at sa Bajo de Masinloc noong 1990s dahil sinasabi nila nagpapahinga lang mga fisherman [doon]…Dahil yung iba naman nag-eexplore lang pero ayan na pupunta na yung mga barko ng Coastguard diyan ng China…Sasabihin ng China, [eh] kailangan namin tulungan yung mga tauhan namin [na] nai-stranded… kaya kailangan na siguro na hulihin na ‘yang mga ‘yan at kasuhan….” – House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo

About The Author