Dismayado si House Deputy Minority Leader France Castro matapos hindi payagang kuwestyunin ang P2.385 billion 2024 proposed budget ng Office of the Vice President.
Ayon kay Castro, obligasyon ng isang konresista na busisiin ang budget at makita kung saan ito gagamitin.
Mahalaga rin aniya na si Vice President Sara Duterte mismo ang magpaliwanang kung saan at paano gagamitin ang pondo dahil siya naman ang accountable dito.
Kasunod nito, umapela ang mambabatas sa Commission on Audit na rebyuhing mabuti ang rules kaugnay sa confidential funds para maging transparent at accountable ang mga ahensya dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo