dzme1530.ph

Rep. Acop, itinangging may nagaganap na suhulan sa nangyaring PI signature drive sa Antipolo

Kinumpirma ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, na mayroong nangyayaring signature campaign para sa binubuhay na People’s Initiative (P.I.) sa kanyang distrito.

Gayunman, sinisiguro ni Acop na kahit may nangangalap ng lagda, walang nangyayaring bayaran sa kanyang nasasakupan.

Tinawag naman nitong “prerogative ng Senado” ang mag-imbestiga sa kontrobersiya sa People’s Initiative kung saan pinangalanan ni Senator Imee Marcos ang first cousin na si Speaker Martin Romualdez bilang nasa likod ng P.I.

Inamin din nito na wala siyang impormasyon sa pinalutang ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na “regalo sa Pangulong Bongbong Marcos, Jr., sa susunod na State of the Nation Address (SONA) ang isinusulong na Charter Change (Chacha).

Pormal na ring hiniling ng MAKABAYAN Bloc sa House Committee on Public Accounts na maglunsad rin ng pagdinig sa isyu ng bilihan o suhulan sa People’s Initiative signature campaign na ginagamit umano ang pondo ng bayan. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author