Buto ng manok at hindi buto ng tao ang nakuha sa septic tank sa New Bilibid Prison (NBP).
Ito ang ibinuyag ni Dr. Annalyne Dadiz ng National Bureau of Investigation (NBI) Medico-Legal Division sa mga Senador habang isinasagawa ang pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights.
Ayon kay Dadiz, batay sa ginawang forensic identification sa mga buto, natuklasang chicken leg bone ang narekober ng mga opisyal sa loob ng NBP.
Nang kuwestyunin ni Sen. Francis Tolentino, Chairman ng Komite, ang rebelasyon ng NBI, dahil malaki aniya ang buto sa larawang ipinresenta sa kanila, iginiit ni Dadiz na naka-zoomed lang ang litrato na ipinakita sa midya.
Nakatakda namang maglabas ang University of the Philippines (UP) forensic experts ng kanilang findings sa mga nakuhang buto sa Bilibid sa susunod na linggo.
Ginawa ng Senado ang imbestigasyon makaraang ihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla na may natagpuang putol-putol na katawan sa septik tank sa NBP na kalaunay kanyang nilinaw na biktima lang umano siya ng fake news dahil natagpuan ang bangkay sa lugar ng Sputnik Gang at hindi sa septic tank.