Bahagyang nakabawi ang Remittance o perang ipinadala sa bansa ng mga Pinoy na nasa abroad noong Mayo, kasunod ng 11-month low na naitala noong Abril.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances o perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels noong ikalimang buwan ay naitala sa $2.494-B.
Bahagya itong mas mataas kumpara sa $2.485-B noong Abril at sa $2.424-B noong mayo ng nakaraang taon.
Ang United States ang may pinakamalaking share ng inflows noong Mayo na nasa 41%, sumunod ang Singapore (7.1%), Saudi Arabia (6%), Japan (5.1%), at United Kingdom (4.7%). —sa panulat ni Lea Soriano