dzme1530.ph

Rematch fight nina Jeremy Miado at Lito Adiwang, kasado na

Maghaharap ang dalawang mixed martial artist ng Pilipinas na sina Jeremy Miado at Lito Adiwang para sa One Fight Night 16 sa November 4 sa Bangkok, Thailand.

Si Miado at Adiwang ay huling naglaban sa ONE:X noong March 2022, kung saan nakuha ni Miado ang panalo via technical knockout nang magtamo ng injury si Adiwang sa second-round ng laban.

Nagpahayag naman ng pagkasabik sa nalalapit na sagupaan ang 30-anyos na si Adiwang matapos ang kaniyang pagrekober.

Noong nakaraang buwan, pinadapa ni Adiwang via technical knockout sa loob ng 23 segundo si Adrian Mattheis sa homecourt nito sa Indonesia. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author