dzme1530.ph

Relief canned tuna sa Oriental Mindoro na ipinabawi ng DSWD, ipasusuri sa FDA

Nakatakdang ipasuri ng DSWD sa Food and Drug Administration ang mga de-latang tuna na ipinabawi mula sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro, dahil sa umano’y kakaibang lasa at amoy nito.

Magpapadala ng liham ang binuong fact-finding board ng DSWD sa FDA at magsusumite rin ito ng samples ng de latang tuna na naka-preposition sa Calapan City at mga bayan ng Naujan, Bulalacao, at Roxas, kung saan nanggaling ang mga reklamo.

Sinabi ni DSWD ASec. Romel Lopez na sa pamamagitan ng FDA test ay matutukoy kung ligtas bang ipakain sa mga benepisyaryo ang canned tuna.

Bagamat nakumpirma nang hindi pa expired ang mga de lata, hihintayin pa rin ang resulta ng test upang malaman kung talagang may problema ito sa lasa o kung nagkaroon ng kontaminasyon sa lata ng Ocean’s Best Tuna. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author