dzme1530.ph

Relasyon ng US at Pilipinas, ‘di maapektuhan kung tatanggihan ang Afghan refugees

Aminado si Sen. Francis Tolentino na wala namang magiging epekto sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos kung tanggihan ng gobyerno ang pansamantalang panunuluyan sa bansa ng mga Afghans na ipoproseso ang US Special Immigrant Visa.

Sinabi ni Tolentino na kung magdesisyon man ang pamahalaan kontra sa pamamalagi ng mga refugees sa bansa, tiyak siyang mauunawaan ito ng gobyerno ng Estados Unidos.

Gayunman, ipinaalala ng senador na ginawa na rin sa mga nakalipas na panahon ng gobyerno ng Pilipinas ang pagtanggap ng mga refugee at wala namang naging problema.

Muli ring binigyang diin ng mambabatas na hindi ang Pilipinas ang final destination ng mga Afghan at sa halip ito lamang ang kanilang halfway house.

Inihayag din ni Tolentino na may nakarating sa kanyang impormasyon na noong nakaraang linggo ay may isang eroplano ng refugees na karamihan ay bata at babae ang aalis dapat sa Afghanistan subalit nalaman ng Taliban kaya sila ay pinababa at ngayon ay hindi na malaman kung ano ang kanilang sitwasyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author