dzme1530.ph

Reklamong murder, isasampa ng NBI kay Cong. Arnie Teves sa susunod na linggo

Nakatakdang kasuhan ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice si suspended Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr., kaugnay ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa, sa susunod na linggo.

Sa ambush interview, sinabi ni Justice secretary Jesus Crispin Remulla, na sasampahan ng NBI si Teves ng mga reklamong Murder, Multiple Murder, at Multiple Frustrated Murder.

Inihayag naman ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na ang ginagawang “Trial by Publicity” laban sa kanyang kliyente ay patunay lamang na mabuway ang legal na pundasyon ng mga ebidensya ng pamahalaan.

Idinagdag ni Topacio na handa at kaya nilang depensahan ang kanilang kiliyente sa Korte, kung saan mas matimbang ang rules of evidence at patas ang pagdinig, kumpara sa mga tsismis, patutsada, at grandstanding.

About The Author