dzme1530.ph

Rehiyon na may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya noong 2022, naitala sa Western Visayas

Naitala sa Western Visayas ang rehiyon na may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya noong 2022.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 9.3% ang economic growth ng Region 6.

Sinundan ng Cordillera Administrative Region(CAR) na may 8.7%, Davao Region na nakapag-ulat ng 8.15%, Central Luzon na may 8.11%, Bicol Region na may 8.06%, 8% sa Cagayan Valley, 7.8% sa CALABARZON, Central Visayas na may 7.64%, at Ilocos Region na may 7.60%

Una nang sinabi ng PSA na nasa 7.6% ang national average ng economic growth noong nakaraang taon, mas mataas target sa ng pamahalaan na 6.5% hanggang 7.5%.

Kabilang naman sa mga rehiyon na nakapagtala ng mababang paglago ng ekonomiya ang National Capital Region, MIMAROPA, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Samantala, nangunguna ang accommodation and food service industry sa mga industriya na may pinakamataas na paglago na nasa 32.1%, sinundan ng iba pang serbisyo na may 28.4%, at sektor ng transportasyon na may 23.9%.

About The Author