dzme1530.ph

Rehabilitasyon sa EDSA, dapat gawing phase by phase

Loading

Iminungkahi ni Sen. Grace Poe sa gobyerno na pag-aralan ang posibilidad na isagawa ang rehabilitasyon sa EDSA nang paunti-unti o phase by phase.

Bukod dito, iginiit ni Poe na dapat gawing 24/7 na trabaho upang mapabilis ang rekonstruksyon at mapaliit ang abala sa publiko.

Sa gitna ito ng pagsang-ayon ni Poe sa desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpaliban ang rehabilitasyon ng EDSA, kasabay ng panawagan para sa mas maayos at komprehensibong paghahanda bago ito ipatupad.

Binigyang-diin ng senadora na kung walang sapat na paghahanda, ang pagsasara ng bahagi ng pangunahing lansangan ng Metro Manila ay magdudulot ng matinding kaguluhan at dagdag na pahirap sa mga commuter at motorista.

Nanawagan din si Poe ng mas malawakang konsultasyon sa mga stakeholder at apektadong grupo upang makakalap pa ng mga ideya kung paano mapapagaan ang daloy ng trapiko habang isinasagawa ang proyekto.

About The Author