Handang tumulong ang Department of Tourism (DOT) sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office matapos masunog noong linggo.
Ayon kay Tourism sec. Christina Frasco, itinuturing nila ang dekadang lumang istruktura bilang “Cultural Treasure” na nararapat pagtuunan ng atensyon at suporta.
Binigyan-diin din ng opisyal ang pahayag ng Lungsod ng Maynila na hindi nito hahayaang gibain ang Post Office at handa nilang sundin ang direksyon na gagawin ng Administrasyong Marcos sa pagrehabilitate nito.
Una nang pinawi ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pangamba na magkaroon ng bagong istruktura sa Liwasang Bonifacio kung saan sinabi nito na ang nasunog na istruktura ay protektado ng Heritage Law.