dzme1530.ph

Regional office ng LTO na isinama ang LGBTQ+ community sa priority lane, kinastigo ni Sen. Poe

”Maganda ang intensiyon, pero tila matindi ang pagkakamali ng isang regional office ng LTO na isama ang lgbtq+ community sa priority lane,”

Ito ayon kay Senate Committee on Public Services Chairman Sen. Grace Poe, nang kastiguhin nito ang isang LTO Regional Office nang magtalaga ng priority lane na maaaring i-accomodate ang lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer o LGBTQ+ Community.

Binigyang diin ng senadora na nilikha ang priority lane para sa mga indibidwal na may problemang pisikal at walang kapasidad na sumunod sa normal na proseso sa gobyerno gaya ng pagpila.

Ayon pa kay Poe, dapat pag-aralan nang mabuti ang lahat ng ipatutupad na patakaran sa gender sensitivity, inclusivity at equality sa pagkuha ng serbisyo ng pamahalaan, upang maiwasang makapagpatupad ng sablay na desisyon.

Ginawa ni Poe ang pahayag matapos lumabas sa isang ulat na mayroong isang LTO Region District Office na naglagay ng special lane para sa mga miyembro ng LGBTQ+, kasama ang mga senior citizens, may kapansanan at buntis noong Valentine’s Day.

About The Author