dzme1530.ph

Red alert sa Bilibid, binawi na; pero pagbisita, suspendido pa rin

Binawi na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang red alert status sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, subalit mananatiling suspendido ang “visitation privileges until further notice.”

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na ipinatupad ang red code status bilang precautionary measure kasunod ng riot sa pasilidad noong Martes.

Ayon sa BuCor, isang Person Deprived of Liberty (PDL) ang nagpaputok ng baril makaraang magkainitan ang dalawang miyembro ng Batang City Jail at Bahala Na Gang.

Isang PDL na kinilalang si Alvin Barba ang nasawi matapos magtamo ng saksak ng ice pick sa katawan habang siyam na iba ang nasugatan. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author