dzme1530.ph

‘Recalibrated’ K to 10 curriculum, ilulunsad ng DepEd sa Aug. 10

Nakatakdang ilunsad ng Dept. of Education (DepEd) ang “Recalibrated” K to 10 basic education curriculum ngayong linggo.

Ito ang inihayag ni DepEd Usec. at Spokesperson Michael Poa sa naganap na kick-off ng National Brigada Eskwela sa Tarlac.

Ayon kay Poa, target ito na ilunsad ng kagawaran sa Biyernes, Aug 10, at tatawaging matatag K to 10 curriculum.

Una nang sinabi ng tagapagsalita na ang Revised K to 10 curriculum ay bahagi ng learning recovery efforts ng DepEd.

Samantala, ipatutupad ng Kagawaran ang nabanggit na curriculum sa susunod na taon o School Year 2024-2025, upang maihanda ang learning resources na kakailanganin bago ang aktuwal na pagsisimula nito. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author