Isasalang sa public hearing ang mga hirit na rate adjustment ng mga power distributor para malaman kung kinakailangang itaas, panatilihin o ibababa ang singil ng mga ito sa kani-kanilang kostumer.
Ito ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), ay dahil sa ilalim ng panuntunan ay maaaring mag-apply ang power distributors ng rate adjustments at hindi puwedeng basta-basta nalang ibasura ang mga inihain nitong petisyon.
Nabatid na isa ang Meralco sa mahigit 40 power distributors na nag-petisyon para sa dagdag-singil.
Ayon kay Meralco Vice President Joe Zaldarriaga, hindi napupunta ang generation charge sa lahat ng distribution utilities, sa kanilang kompyutasyon, halos P8-B ang dapat nitong masingil sa mga kostumer sa loob ng isang taon o katumbas ng P0.22 kada kilowatt hour na taas-singil, kailangan din anilang makarekober ang Meralco sa pag-aabono.