dzme1530.ph

“Quota System” sa PNP, inalis na

Inalis na ang “Quota System” para sa accomplishments sa PNP, ayon kay Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos.

Gayunman, binigyang diin ni Abalos na mayroon pa ring mekanismo sa PNP para sa accountability ng police officers upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Inihayag ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na sina Abalos at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nag-utos na alisin na ang Quota system sa police organization.

Una nang lumabas sa mga report na ilang police personnel ang pine-peke ang kanilang accomplishments para sa promotion. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author