dzme1530.ph

Quezon 2nd District Rep. David Suarez, itinalaga bilang bagong Deputy Speaker

Itinalaga ng kamara si Quezon 2nd Dist. Cong. David “Jay-Jay” Suarez, bilang bagong Deputy Speaker ng 19th Congress.

Sa pagbabalik ng sesyon kahapon, inanunsyo ni Majority Floor Leader Manuel Mannix Dalipe Jr. ang pagtalaga kay Suarez bilang kapalit ni dating House Deputy Speaker at Batangas 6th District Rep. Ralph Recto.

Si Recto ay una nang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Finance kung saan pinalitan nito si Benjamin Diokno.

Samantala, inanunsyo rin kagabi sa plenaryo na si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tatayong care taker ng ika-anim na distrito na binakante ni Recto. —sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author