dzme1530.ph

QC, nananatiling richest city sa bansa

Nangunguna pa rin ang Quezon City bilang pinakamayamang lungsod sa bansa noong 2022.

Batay sa Annual Financial Report on Local Governments ng Commission on Audit, nasa P443 billion ang halaga ng assets ng Quezon City na bahagyang mababa kumpara sa assets nitong P451 billion noong 2021.

Ikalawa sa listahan ng richest city sa bansa ay ang Makati City na may P239 billion na halaga ng assets sinundan ng Maynila na may P77 billion assets, Pasig – P52 billion, Taguig – P40 billion, Mandaue, Cebu – P34 billion; Mandaluyong – P32 billion, Cebu City – P30 billion, Davao – P29 billion, at Parañaque City – na may P27 billion.

Inihayag din ng COA na nananatiling pinakamayamang lalawigan sa bansa ang Cebu na nasa P235.738 billion ang kabuuang assets.

Habang sa mga munisipalidad naman, pinakamalaki ang assets ng Carmona, Cavite na nagkakahalaga ng P6.523 billion, sinundan ng Limay, Bataan at Silang, Cavite.

About The Author