dzme1530.ph

PUVMP, hindi lamang dapat nakatutok sa consolidation ng mga jeep, ayon kay Sen. Poe

Ipinaalala ni Senador Grace Poe na ang PUV Modernization Program ay hindi lamang dapat nakatutok sa consolidation ng mga jeep at sa halip ay para sa pagtiyak na magiging realiable at sustainable ang public transport sector sa bansa.

Ginawa ni Poe ang paalala kasunod ng approval ng Malacañang sa tatlong buwang pagpapalawig sa consolidation.

Iginiit ng senador na dapat manaig sa program ang pagtiyak sa kapakanan ng commuting public at kabuhayan ng libu-libong tsuper.

Iminungkahi ni Poe na gamitin ang three-month extension sa pagrereview ng programa upang maunawaan ang pagtutol ng ilang grupo.

Hindi anya dapat ipagwalang bahala ang inirereklamong mataas na presyo ng mga bagong sasakyan at kailangang maghanap ng alternatibong paraan tulad ng rehabilitasyon ng mga jeep na maituturing pa ring roadworthy. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author