dzme1530.ph

PUV Modernization Program, tuloy pa rin!

Magpapatuloy pa rin ang Public Utility Vehicle Modernization Program sa kabila nang kabi-kabilang protesta at strike mula sa ilang transport groups.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz III, handa na ang gobyerno para sa PUVMP mula pa noong taong 2017.

Dagdag pa ni Guadiz, patungo na sila sa ikalawang yugto ng 10-phased PUVMP kahit na hindi pa nakakakapag-consolidate ang ibang mga jeepney driver at operator.

Nilinaw din ng LTFRB na matagal pa ang pinangangambahang phaseout ng mga operator, ang hinihiling lamang nila ay ang pagbuo ng isang asosasyon upang maayos ang sistema ng pampublikong sasakyan sa bansa. DZME News

About The Author