Inextend ng tatlong buwan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang deadline ng consolidation para sa public utility vehicles, kaugnay ng PUV Modernization Program.
Ayon sa Malacañang, inaprubahan ni Marcos ang rekomendasyon ni Transportation Sec. Jaime Bautista na palawigin ang consolidation hanggang sa Abril 30, 2024.
Ito umano ang magbibigay oportunidad sa mga nagnanais na mag-consolidate ngunit inabutan ng naunang cut-off noong Disyembre 31, 2023.
Sa datos ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board, kabuuang 190,000 PUV units na ang nakapag-consolidate sa buong bansa, kabilang ang 82% consolidation sa mga UV Express, 75% sa jeepneys, 86% sa mga bus, at 45% sa mini-buses. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News