dzme1530.ph

Pumalit kay NegOr Gov. Degamo na si Guido Reyes, pumanaw na

Pumanaw na si Negros Oriental Governor Jorge Carlo Joan “Guido” Reyes, ang pumalit sa pinaslang na gobernador ng lalawigan na si Roel Degamo.

Ayon kay Provincial Administrator Karen Molas, binawian ng buhay si Reyes makaraang makipaglaban sa matagal na nitong sakit na cancer, subalit wala nang idinagdag na iba pang detalye.

Sinabi ni Molas na nakatanggap siya ng tawag mula sa anak ni Reyes na nagkumpirmang pumanaw na ang gobernador.

Papalit sa iniwang posisyon ni Reyes si Vice Governor Manuel “Chaco” Sagarbarria.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang dekada na dalawang gobernador sa Negros Oriental ang magkasunod na namatay.

2010 nang pumanaw si Gov. Emilio Macias II, ilang linggo makaraang manalo sa gubernatorial elections at makalipas naman ang ilang buwan ay namatay din ang pumalit kay Macias na si Agustin Perdices noong January 2011.

About The Author