dzme1530.ph

Pulis na sangkot sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon, sinibak

Sinibak na ang pulis na sangkot sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay Police Regional Office 4-A Chief PBGen. Paul Kwnneth Lucas, ang dismissal ni Police Major Allan De Castro ay naging epektibo noong January 16.

Dagdag ni Lucas, ang pagkaka-alis ni De Castro sa pwesto ay dahil sa “conduct unbecoming of a police officer.”

Inihain na rin ang mga kasong Kidnapping at Serious illegal detention kay De Castro, bodyguard nitong si Jefftey Magpantay, at dalawang hindi pa napapangalanang suspek na may koneksyon sa pagkawala ni Camilon. DZME News

About The Author