dzme1530.ph

Pulis na nagpaputok ng baril sa labas ng bar sa Quezon City, tuluyan nang sinibak sa serbisyo

Dinismis ng Philippine National Police (PNP) mula sa serbisyo si Lt. Col. Mark Julio Abong, ang pulis na nagpaputok ng baril sa labas ng isang bar sa Quezon City noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa Press Conference, sa Camp Crame, kanina, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na naisilbi na ang nilagdaan niyang Dismissal Order laban kay Abong noong Dec. 18.

Ang dismissal ay kaugnay naman sa kaso ng hit-and-run na kinasangkutan ng police official noong August 2022 na ikinasawi ng isang tricycle driver. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author