Pinaalalahanan ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid ng kuryente ngayong tag-init dahil sa manipis na reserba ng enerhiya sa bansa.
Ayon sa DOE, sakaling may isang power plant ang pumalya mula ngayong linggo hanggang katapusan ng Mayo ay kakapusin ang suplay ng kuryente.
Samantala, gumagawa na ng aksyon ang Energy Regulatory Comission (ERC) para pag-paliwanagin ang mga opisyal ng anim na generation companies dahil sa biglaang force outage ng kanilang power plants.
Mababatid na nagresulta sa pagmahal ng 47 percent sa Luzon, 14 percent sa Visayas ang bentahan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil sa kakapusan ng suplay.