dzme1530.ph

Publiko, pinag-iingat sa sakit na dengue kahit Summer season

Umaatake rin ang mga lamok na may Dengue kahit panahon ng tag-init.

Ito ayon kay DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, kung kaya’t kinakailangan pa ring mag-ingat ng publiko.

Karamihan kasi aniya sa mga Pilipino’y naniniwalang tuwing tag-ulan lang tumataas ang kaso ng dengue.

Paliwanag ni Vergeire, tuwing sumasapit ang summer season ay kinakapos sa tubig ang ilang lugar sa bansa na nagbubunsod ng pag-iimbak ng tubig sa mga dram at timba. Sa oras na maging stagnant ang tubig, dito na umano nangi-ngitlog ang mga lamok.

Mula Enero hanggang Marso a-18 pumalo sa 27,670 ang kaso ng dengue na naitala sa bansa na 94% mas mataas kumpara sa 14,278 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

About The Author