dzme1530.ph

Publiko, hinimok na tutulan ang pekeng People’s Initiative para sa Cha-cha

Hinimok ni Sen. Grace Poe ang publiko na tutulan ang isinusulong na pekeng People’s Initiative para sa pagbabago ng konstitusyon.

Iginiit ni Poe na isa lang ang solusyon upang matigil ang bangayan sa pulitika at ito ay ang itigil ang pekeng initiative dahil sa Senado anya ay handa silang magtrabaho at magpokus sa mga panukala na makatutulong sa bansa.

Binabalot na anya ng isyu ng suhulan ang pangangalap ng lagda para sa chacha kaya’t ito anya ay naging problematic.

Sinabi ni Poe na ang kailangan ng publiko ay pagkain sa lamesa, trabaho, maayos na healthcare system, edukasyon at de kalidad na pamumuhay.

Lumitaw din anya sa isang national survey, hindi prayoridad ng publiko ang Cha-cha at ang malinaw anya ay mas importante para sa lahat ang masolusyunan ang mataas na presyo ng pagkain, trabaho at iba pang pangunahing pangangailangan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author