Hinimok ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang publiko na tumugon at sumunod na sa mga probisyon ng SIM Registration Law at iparehistro ang kanilang mga sim number.
Sa gitna ito ng pagtatapos ng panahon ng pagpaparehistro sa April 26.
Sinabi ni Poe na dapat magtulungan ang gobyerno at mga telecommunications companies na hikayatin ang lahat ng sim users na magparehistro.
Gayunman, dapat anyang tiyakin na ang panghihimok ay may kaakibat ng epektibong imprastraktura at sistema para sa pagrerehistro.
Muli ring tiniyak ng senador sa publiko na may sapat na safeguards sa batas para protektahan ang mga datos ng bawat isa.
Binigyang-diin ni Poe na wala dapat goodbye sa SIM number na dapat ay forever na kasama ng bawat indibidwal. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News