dzme1530.ph

Publiko, hinihikayat na magparehistro na ng kanilang Sim cards

Nagsanib puwersa na ang mga bangko at mga Telco sa paghikayat sa mga SIM card users na magpa-rehistro na ng kanilang sim card dalawang araw bago magtapos ang deadline sa April 26, 2023.

Ang BPI ay aktibo na rin sa pagpapadala ng mga reminders hinggil sa deadline ng SIM Registration ngayong April 26 samantalang may ibang gimik ang ilang telco para dumayo ang mga parukyano sa kani-kanilang registration sites.

Gaya ng Globe Telecomminications Philippines na nag-aalok ng insentibo sa mga magpapa-rehistro ng SIM Card bago ang itinakdang deadline.

Sa ilalim ng 2x rewards campaign ng Globe, ang mga tagasubaybay nito na nag-load ng P50 o higit pa ay makakatanggap ng dobleng rewards kapag nagrehistro sila sa GlobeOne Application.

Bukas rin naman ito sa mga nakapagrehisto na ng kanilang SIM card at kailangan na lamang nilang gumawa ng account sa GlobeOne App.

Sa mga hindi pa maka-rehistro, dumulog sa mga tindahan ng Globe at mga registration site na bukas pa rin sa mga senior citizen, persons with disability, mga buntis, at mga may cellphone na hindi maka-konek sa internet.

About The Author