dzme1530.ph

Publiko, hindi dapat mabahala sa ibinubugang smog ng bulkang Taal

Hindi dapat ikabahala ang volcanic smog o vog na ibinubuga ng bulkang taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na ang vog ay bunsod ng patuloy na pagbubuga nito ng sulphur dioxide.

Aniya, hindi dapat magpanic ang mga residente dahil nananatili pa rin sa Alert level 1 ang Taal volcano.

Gayunpaman, pinayuhan ni Bacolcol ang mga residente malapit sa lugar na manatiling mapagbantay at magsuot ng face masks upang maprotektahan ang kalusugan. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author