Inaasahang magpatutupad ng shifting schedules at pagbabawas sa oras ng klase ang mga pampublikong paaralan na may mataas na bilang ng enrollees para sa nalalapit na School Year 2023-2024.
Ayon kay Dept. of Education Assistant Sec. at Deputy Spokesperson Francis Cesar Bringas, patuloy na hamon sa kagawaran ang maabot ang ideal ratio na 35 mag-aaral bawat silid-aralan, partikular sa Highly Urbanized Areas na may teacher-to-student ratio na 1:60.
Binigyang-diin pa ni Bringas na problema rin nila ang mga congested o masikip na paaralan na nahaharap sa malaking bilang ng mga mga-aaral, sa kabila ng implementasyon ng dalawa hanggang tatlong shift.
Kaya naman bukod sa shifting schedule ay posible ring bawasan sa apat hanggang apat at kalahating oras ang pasok kada shift ng mga mag-aaral.
Una nang isiniwalat ng DepEd sa Senate Committee on Basic Education noong Aug 23, na mayroong shortage sa classrooms sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. –sa panulat ni Airiam Sancho