dzme1530.ph

Public funds, gagamitin ng DOJ sa pabuya para sa ikadarakip ni dating BuCor Chief Gerald Bantag

Pinanindigan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nauna nitong pahayag na pondo ng ahensya ang gagamitin para sa alok na P3-M reward kapalit ng impormasyon para ikadarakip nina dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at deputy officer Ricardo Zulueta.

Sinabi ni Remulla na maiku-konsidera itong “purchase of information” at pasok naman ito sa budget ng DOJ.

Taliwas ito sa unang sinabi ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano na walang public funds na gagamitin para sa naturang pabuya.

Nilinaw ni Remulla na nagkaroon lamang sila ng “miscommunication” kaya hindi nagtugma ang kanilang pahayag ni Clavano. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author