dzme1530.ph

PTFoMS, tiwalang agad mareresolba ang kaso ng pagpaslang kay “Johnny Walker”

Kumpiyansa ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na mareresolba sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagpaslang sa station manager at may-ari ng 94.7 Calamba Gold FM na si Juan Jumalon o alyas “Johnny Walker.”

Pahayag ito ni PTFoMS Undersecretary Paul Gutierrez, kasabay ng panawagan sa iba pang law enforcement agencies na tumulong sa imbestigasyon.

Samantala, kinondena ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang pagpaslang kay Jumalon na isinabay sa linggo ng International Day to End Impunity for Crimes Against Journalist.

Batay sa tala, si Jumalon ang pang-limang mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng Bongbong Marcos Administration. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author