Tutuparin ng Presidential Security Command ang misyong tiyakin ang seguridad ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay sa harap ng isyu sa pagbawi ng Philippine National Police sa 75 security personnel ng Pangalawang Pangulo.
Ayon kay PSC Chief Maj. Gen. Nelson Morales, sa bisa ng reorganisasyon sa kanilang pangkat ay nasa ilalim na nila ngayon ang Vice Presidential Security and Protection Group bilang sub-unit.
Kaugnay dito, tiniyak ni Morales na nananatiling propesyunal at nakatutok sa misyon ang PSC, kabilang na ang pagtupad sa bagong tungkuling siguruhin ang seguridad ng Bise-Presidente.
Mababatid na tinawag na political harassment ni VP Sara ang pagbawi sa kanyang security personnel.