dzme1530.ph

PSA, pinag-aaralan nang payagan ang publiko na i-update ang impormasyon sa database ng PhilSys ID

Pinag-aaralan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) na payagan ang publiko na buksan at i-update ang personal na impormasyon sa database ng national identification card sa susunod na buwan.

Sinabi ni National Statistician at Usec. Claire Dennis Mapa na maaari nang ma-iwasto ang pangalan, katayuang civil, at petsa at lugar ng kapanganakan sa lalong madaling panahon.

Napili naman ng ahensya ang National Capital Region at Western Visayas para lumahok sa isasagawang pilot program.

Samantala, ipinabatid pa ni Mapa na layon ng psa na makabuo ng corrected national IDs bilang karagdagan sa target na 92 million physical national IDs ma-iimprenta ngayong Setyembre. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author