dzme1530.ph

PSA, nakapagtala ng 78.49-M Pilipinong nagparehistro para sa National ID

Pumalo na sa kabuuang 78.49-M Pilipino ang nakapagparehistro para sa National Identification o National ID.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni PHILSYS Registry Office, Officer in Charge at Deputy National Statistician Fred Sollesta na nakapag-generate na sila ng 74.19 million PHILSYS numbers (PSN), na tumutukoy sa 12-digit permanent identification number ng mga residente sa bansa.

Aniya, target nilang tapusin ang pagbuo ng digital credentials at PSNS ng mga registered Filipinos sa katapusan ng buwan na ito o sa Hunyo.

Kaugnay nito, na-imprenta na ng PSA ang nasa 37 million National IDs, kung saan 29.84-M sa mga ito ay na-ideliber na sa PhilPost.

Nakapaglabas at nakapamahagi na rin ang psa ng 31.54-M EPHILIDS sa mga nagparehistro.

Samantala, sinabi ni Sollesta na hindi pa sila nakatatanggap ng opisyal na imbistasyon kaugnay sa panukalang imbestigasyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay sa delayed na pag-iisyu ng National ID.

About The Author