Nakapag-isyu na ang Philippine Statistics Authority ng mahigit 70 million Philippine Identification System IDs o PhilIDs at ePhilIDs.
Sinabi ng PSA na sumampa na sa 70,271,330 registered persons ang naisyuhan ng PhilIDs at ePhilIDs, as of June 2023.
Sa kasalukuyan, 33,422,502 PhilIDs ang nai-deliver na habang 36,848,828 ePhilIDs ang nai-print o na-download.
Tiniyak ni PSA Usec. Claire Dennis Mapa, National Statistician, at Civil Registrar na ipagpapatuloy nila ang mga hakbang upang mapabilis ang pag-i-isyu ng PhilID at ePhilID, kasabay ng paghimok sa mga Pilipino na i-maximize ang paggamit nito sa kanilang mga transaksyon. —sa panulat ni Lea Soriano