dzme1530.ph

Provincial Training Center sa Palawan, binuksan na ng TESDA

Pormal ng binuksan ng Technical Education and Skills Development Authority TESDA ang bagong Provincial Training Center na matatagpuan sa Brgy. Magara Roxas Palawan.

Kaugnay nito tatanggap ng karagdagang skills training at livelihood program ang mga residente ng Palawan mula sa TESDA.

Ayon kay TESDA Dir. Gen. Danilo P. Cruz, ang pagtatatag ng PTC sa lalawigan ay naaayon sa misyon ng TESDA na palawakin at palakasin ang mandato, programa, at serbisyo nito.

Ang pasilidad na ito ay nagbibigay-daan din sa ahensiya na higit na maisakatuparan ang paghahatid ng mga estratehiya nito para sa demand ng Technical Vocational Education and Training.

Ang dalawang palapag na PTC ay inaasahang magbubunga ng mahigit 1,000 magsisipagtapos ng iba’t ibang kurso. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author