dzme1530.ph

Proposed P5.768-T 2024 national budget, inaasahang lalagdaan na ng Pangulo

Inaasahang lalagdaan na ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong linggo ang proposed P5.768 Trillion 2024 national budget.

Sa interview sa Okura Hotel sa Tokyo, Japan sa sidelines ng ASEAN-Japan Commemorative Summit, inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na nai-transmit na sa Office of the President ang bicameral conference committee version ng pambansang budget.

Sinabi ni Romualdez na pipirmahan na ito ng Pangulo sa Miyerkules, pagkabalik niya mula Japan.

Kampante naman ito na walang anumang bahagi ng 2024 budget ang ive-veto ng Pangulo.

Sinabi ng House Leader na hindi pa nalalagdaan ng Pangulo ang 2024 budget dahil maaaring nililimbag o ipini-print pa ang mga kopya nito. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author