dzme1530.ph

Proposed 5.768-T 2024 budget, lalagdaan na ni PBBM ngayong araw

Lalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proposed P5.768 trillion 2024 national budget ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 20.

Itinakda ang signing ceremony sa Malakanyang mamayang 3:30 ng hapon.

Ang pagsasabatas ng pambansang budget ay sasaksihan nina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Budget Sec. Amenah Pangandaman, at iba pang opisyal.

Una nang sinabi ni Marcos na buong taong isinagawa ang mga konsultasyon kaya’t wala siyang inaasahang anumang isyu sa General Appropriations Bill. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author