Kaagad lalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proposed P5.768 trillion 2024 national budget, sa oras na matanggap niya ang pinal na bersyon nito.
Sa ambush interview sa Muntinlupa City, inihayag ng Pangulo na hindi pa nila natatanggap ang Bicameral Conference Committee Report kaugnay ng panukalang budget.
Posible umanong matanggap nila ito ngayong Biyernes o sa mga susunod na araw, at maaaring maipasa na ito bago mag-Pasko.
Sinabi naman ng Pangulo na buong taong isinagawa ang mga konsultasyon kaya’t wala siyang inaasahang anumang isyu sa General Appropriations Bill. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News`