Plano nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Dec. 20, ang proposed ₱6.352 Trillion 2025 national budget.
Ito ay makaraang aprubahan ang pinal na bersyon ng 2025 General Approriations Bill sa bicameral conference committee ng Senado at Kamara.
Gayunman, nilinaw ng Presidential Communications Office na ito ay tentative na petsa pa lamang at hindi pa sigurado.
Mababatid na sinertipikahang urgent ng Pangulo ang 2025 budget bill na nagbigay-daan sa mas mabilis nitong pagpasa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News