Hindi pinalusot ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ng isang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa isyu ng pagpapabaya sa pamilya.
Ito ay matapos tutulan ni Ginang Tessa Luz Aura Reyes Sevilla ang promosyon ng kaniyang asawang si Brig. Gen. Ranulfo Sevilla, deputy commander ng AFP Special Operations Command.
Ayon kay Tessa, nakaranas siya at ang kanyang mga anak ng pananakit mula sa opisyal at bukod dito ay kakarampot o ₱2,000 lang ang isinusustento nito sa kanilang mga mag-iina na hindi pa regular.
Kinumpirma naman ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na kinatigan ng mga miyembro ng CA ang aksyon ng mga babaeng miyembro ng panel na i-defer ang kumpirmasyon sa ad interim appointment ng heneral.
Sinabi ni Zubiri na lumagda sa isang kasunduan ang heneral na nag-uutos na mag-aabot ito ng ₱50,000 susteto sa kaniyang mag-iina para sa kanilang pangangailangan.
Dahil sa bypassed confirmation, babalik si Sevilla sa orihinal na ranggo nitong colonel.